Matapos ang limang araw na mahigit 1,000 ang naitalang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19), naitala ngayon ng Department of Health (DoH) ang 801 na bagong kaso ng nakamamatay na virus.
Dahil sa bagong infections, papalo na ang nationwide caseload sa 4,035,487 habang ang active cases ay bumaba naman sa 18,250 mula sa dating 18,507.
Samantala, nasa kabuuang 1,074 na pasyente naman ang nakarekober sa sakit kaya ang recovery tally ay pumalo na rin sa 3,952,617.
Ang death tally ay tumaas din sa 64,620 dahil sa 12 bagong namatay dahil sa virus.
Samantala, sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 na mayroong 4,194.
Sinundan ito ng Calabarzon na may 1,917, Western Visayas na may 1,121, Central Luzon ma may 1,051 at Central Visayas na mayroong 993.