Muli namang nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng mahigit 2,000 kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa DoH, ang kaso ng COVID-19 kahapon ay may kabuuang 2,097 habang ang active tally ay nasa 26,357.
Ito na ang ika-apat na araw na mahigit 2,000 ang bagong napaulat na infection.
Pero mas mababa naman ito sa naitalang kaso ng nakamamatay na virus noong Sabado na 2,197 infections.
Ang active tally ay bumaba rin mula sa dating 27,065 ay naging 26,357 ito.
Sa ngayon, mayroon nang total nationwide caseload na 3,967,861.
Kabilang naman sa mga top regions na mayroong pinakamataas na COVID-19 case sa loob ng dalawang linggo ay ang National Capital Region na mayroong 12,159 na sinundan ng Calabarzon na mayroong 5,359, Central Luzon na may 2,709, Davao Region na mayroong 1,421 at Western Visayas na may 869.
Mayroon namang bagong recoveries na 2,670 kaya lumobo pa ang recovery tally sa 3,878,240.
Nadagdagan naman ang namatay dahil sa virus ng 34 kaya ang death toll ay lumobo na sa 63,264.