-- Advertisements --
COVID 19 VIRUS

Sa ika-limang sunod-sunod na araw ay naitala ng Department of Health (DoH) ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na mas mababa sa 500.

Nasa 307 lamang ang bagong kaso ng COVID-19 infections ang naitala ng Department of Health (DoH) kahapon.

Dahil dito, pumalo na sa 4,069,147 na kabuuang bilang ng mga nadapuan ng nakamamatay na virus mula nang pumutok ang pandemic noong Marso 2020.

Base sa datos mula sa DoH, ang bilang ng active cases ay umakyat naman sa 12,006 mula sa dating 11,975.

Ang mga naka-recover naman sa virus ay nasa 3,991,615.

Nadagdagan naman ng 17 ang bilang ng mga namatay kaya lumobo na sa 65,526 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa covid.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng nakamamatay sa virus na mayroong 1,819.

Sinundan ito ng Calabarzon na mayroong 903, Central Luzon na may 449, Western Visayas na may 314 at Cagayan Valley na mayroong 277.