Nagtakda ang Department of Health (DOH) kay Pangulong Ferdinand Marcos ng tatlong kondisyon upang maalis na ang state of public health emergency ng bansa dulot ng Covid-19.
Inihayag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang nasabing mga kondisyon ay kinabibilangan ng plateauing of cases; improved vaccination coverage at ang minimal severe and critical admissions sa mga hospital.
Nais din nila na matiyak na protektado na ang mga senior citizens, persons with comorbidities at ang mga bata kontra sa Covid-19.
Ayon kay Vergeire, susuriin muna ng DOH ang bilang ng mga nahawaan ng COVID, lalo na ang malala at kritikal na kaso gayundin ang mga admission sa ospital.
Magugunitang, idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity dahil sa COVID-19 alinsunod sa deklarasyon ng World Health Organization (WHO) ng Public Health Emergency of International Concern.