Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na hindi magkakaroon ng resurgence ang COVD-19 infections sa katapusan ng Disyembere sa kabila ng presensiya ng mas immune-evasive omicron subvariants at ang inaasahang pagtitipun-tipon sa kasagsagan ng holidays.
Ito ay kung alam ng publiko kung paano maproprotektahan ang kanilang sarili laban sa covid-19.
Hindi gaanong mararamdaman ang pagtaas ng mga kaso subalit ang mahalaga aniya ay mapanatiling nasa manageable level ang mga severe at critical infections gayundin ang hospitalizations.
Inaasahan ng ahensiya na ang arawang kasi ay aabot lamang sa 3,100 ngayong Disyembre ng kasalukuyang taon. Subalit ang kasalukuyang average number ng infections ay halos triple na nasa 1, 288 kada araw.
Kamakailan lamang nakapagdetect ang bansa ng bagong Omicron sublineage na BQ.1 mula sa Cagayan Valley at Central Visayas dahilan para pumalo pa sa 16 ang kabuuang kaso ng BQ.1 sa bansa.