Itinaas na ng Department of Energy (DOE) sa “highest alert level” ang kanilang isinasagawang monitoring sa lahat ng energy-related facilities sa iba’t-ibang panig ng Luzon.
Sa gitna ito ng patuloy na pananalasa ng Bagyong Karding sa ating bansa.
Sa isang statement ay ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mahigpit nang minomonitor ng kagawaran ang mga energy-related facilities sa Metro Manila, Central Luzon, Southern Luzon, at maging sa mga kalapit na lugar na apektado ng nasabing bagyo.
Ayon sa pangulo, inatasan na ang lahat ng personnel ng DOE na mag-monitor para sa agarang aksyon na maaaring kailanganin sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Karding.
Samantala, sa kabilang banda naman ay ibinahagi rin ni President Bongbong Marcos na nakatakda rin na magpatawag ng pulong si Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella sa energy resiliency group ukol dito.
Nakatakda rin itong magsagawa ng news conference para naman magbigay ng update sa status ng mga energy facilities sa gitna ng pananalasa ni Bagyong Karding.