-- Advertisements --
image 43

Naglabas ang kagawaran ng Edukasyon ng alituntunin para sa pagsasagawa ng Christmas party sa mga opisina at pampublikong paaralan.

Habang markado pa rin sa mga Pilipino ang paghihigpit noon mula ng pandemya ng COVID-19.

Sinabi ni Vice President at Education secretary Sarah Duterte ang kautusan na ang pagdiriwang ng Pasko sa mga pampublikong paaralan at mga tanggapan ng DepEd ay dapat na simple ngunit makabuluhan, dapat umanong isaisip ang tunay na diwa ng panahon maging pagtitipid dahil sa hirap ng ekonomiya.

Dagdag pa rito ang mga Christmas party ay dapat na boluntaryo at hindi resulta ng mga gastusin na magiging pabigat sa mga magulang at mag-aaral maging sa mga tauhan ng DepEd.

Walang rin dapat mag-aaral o tauhan ng DepEd ang dapat pilitin na mag-ambag, lumahok o gamitin ang kanilang pera para sa pagdiriwang.

Binigyang diin rin ni DepEd secretary na ang mga lumang dekorasyong noong nakaraang Pasko ay dapat i-recycle at ang pagbili ng mga bagong palamuti ay hindi hinihikayat.

Ang mga Christmas party ay maaaring isagawa sa loob ng oras ng klase hangga’t hindi ito nakakasagabal sa mga nakatakdang lesson plan, sabi ng departamento.

Nagpaalala din ang DepEd sa mga tauhan na ang “solicitations, cash or in kind, ay bawal sa Christmas parties o holiday celebrations.