-- Advertisements --
DBM Logo

Iniharap ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman ang mga priority expenditures ng bansa bilang suporta sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028 sa unang Philippine Economic Briefing (PEB) para sa taong 2023 sa Frankfurt, Germany.

Ito ay nagbibigay ng pangkalahatang-ideya sa mga mamumuhunan sa Europa ng mga pagkakataon para sa pakikipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas.

Tinalakay ni Pangandaman ang modernisasyon ng agrikultura at agribusiness bilang bahagi ng layunin ng Philippine Development Plan na baguhin ang mga sektor ng produksyon.

Sa pagtaas ng budget sa agrikultura ng 40 percent kumpara noong 2022, mas maraming farm-to-market na mga kalsada, at pinakabagong makinarya at pasilidad ng agrikultura ang ibibigay ng estado upang tulungan ang mga magsasaka na mapabuti ang kanilang produktibidad at tiyakin ang seguridad ng pagkain sa bansa.

Sinabi pa ni Pangandaman na ang sektor ng imprastraktura, ay aayusin upang magtatag ng isang magandang kapaligiran para sa paglago na rin ng ekonomiya ng bansa.

Liban nito, ang department of Transportation ay naglaan na ng P106.billion para sa napakalaking proyekto nito sa transportasyon na makakatulong din sa pag-dadala sa iba’t ibang lugar ng mga produktong pang-agrikultura ng ating bansa.