-- Advertisements --
sibuyas 1

Sisimulan ng Department of Agriculture ang planong mag-angkat ng sibuyas bago ang buwan ng Pebrero kaugnay pa rin ng patuloy na pagtaas ng presyo nito.

Ayon sa ahensya, hindi pa kasi nila nakikita na bababa ang presyo ng sibuyas sa mga susunod na linggo.

Bagama’t may nakatakdang 19,000 metric tons na sibuyas ang papasok sa ating bansa sa darating na Enero 15, mataas pa rin umano ang farmgate price ng nasabing produkto.

Dagdag dito, kahit na inaasahan na bababa ang farmgate price nito, magiging malaki pa din ang epekto nito sa magiging presyo ng sibuyas na panibagong babantayan ng Department of Agriculture.

Kaugnay niyan, binanggit pa rin sa kanilang pagpupulong sa mga stakeholder noong nakaraang buwan, sinabi ni Evangelista na ang Suggested Retail Price para sa mga sibuyas ay dapat na umabot ng humigit-kumulang P200 sa ikalawang linggo ng Enero.

Sa ngayon, nananatiling umaasa ang departamento na ang nalalapit na panahon ng pag-aani ng sibuyas ay makatutulong sa pagpapababa ng presyo ng mga produktong agrikultural ng ating bansa.