Sisimulan na ng Department of Agriculture ang pagpapalakas sa programang naglalayong humikayat sa mga Pilipino na gawin ang backyard vegetable growing.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang bumisita sa Gingoog City sa lalawigan ng Misamis Oriental at kamustahin ang mga residenteng nabiktima ng shearline noong nakaraang buwan.
Ayon sa Pangulo, ito ay ang tinatawag na FAITH na ang ibig sabihin ay Food Always In The Home na ang layunin ay palakasin ang urban agriculture.
Sinabi ng Pangulo na ito ay kanilang ipakakalat at mula dito ay mahikayat ang bawat dwellers na makapagtanim at magkaroon ng access para sa masusustansiyang pagkain gaya ng gulay.
Long term project aniya ito sabi ng Pangulo na inirekomenda na kay Misamis Oriental Governor Peter Unabia.