
Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na naglunsad ito loan program para sa mga magsasaka kasunod ng krisis sa sibuyas na naging dahilan ng paghihirap ng mga mamimili at producer ng produkto.
Inilunsad ng Department of Agriculture’s Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) ang Agri-Negosyo o ang ANYO Loan Program para sa mga magsasaka ng sibuyas.
Ito’y upang mabigyan ang mga lokal na producer ng madaling access sa mga pautang para sa mga pasilidad,
makinarya, at iba pang kagamitan.
Sa huling quarter ng 2022, umabot kasi sa P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas na kung saan pinasan ng mga magsasaka ang matinding pagkalugi nito.
Inilista ng ahensya ang Rueda Onion Growers Association at ang Genaro Agrarian Reform Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative bilang loan beneficiaries, na nakatanggap ng P3 milyon at P10 milyon sa utang.
Ang espesyal na programa ng Agri-Negosyo loan, na naglalayong palakasin ang produksyon ng sibuyas sa bansa, ay nakikinabang sa mga indibidwal na magsasaka ng sibuyas ng hindi hihigit sa dalawang ektarya ng lupa.
Ayon sa ahensya, maaari din silang makakuha ng zero-interest loan na babayaran hanggang limang taon gamit ang maximum na halagang P300,000 at P15 million.
Una na rito ang mga ani noong 2022 ay kulang sa 260,000 metriko tonelada upang matugunan ang pangangailangan ng Pilipinas.










