CAUAYAN CITY – Puspusan na ang paghahanda ng pambato ng Isabela sa Miss Universe Philippines 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Maria Regina Malana, residente ng Naguillian na kakatawan sa Isabela sa Miss Universe Philippines 2020 at isang general dentist, na nasa Isabela siya para sa audio visual presentation shoot.

Sa ngayon aniya ay puspusan na ang kanyang training sa question and answer, good posture, language training at personality development na mahalaga sa beauty pageant.

Sinabi pa ni Bb. Malanna na natutuwa siya sa nakukuhang suporta ng buong Isabela pangunahin na ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan.

Gaganapin ang first ever coronation ng Miss Universe Philippines sa darating na May 3 ngayong taon sa Pasay City.