-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na sisiguraduhin nito na ang mga reclamation projects sa Manila Bay ay ipinatutupad na naaayon sa batas lalo at ipinag utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagsuspindi sa lahat ng mga reclamations project partikular sa mga vital waterway.

Ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na nais ng chief executive na tignan ang environmental at social impacts ng mga nasabing proyekto.

Sinabi ng Kalihim naiintindihan ng gobyerno ang intersection sa pagitan ng sustainable development, environment, biodiversity, climate change, at land-use change na nabanggit ng Pang. Marcos sa kaniyang State of the Nation Address (SONA).

” On the part of the DENR, we are, of course, as I said before, looking into the compliances, the conditions under which the ECCs (Environmental Compliance Certificates) and area clearances were issued,” pahayag ni Sec. Loyzaga.

Ipinunto ni Loyzaga na ang isyu dito ay ang Community Impact Assessment na pangungunahan ng DENER scientific team na kanilang i -organisa ngayong buwan.

“We intend to provide a program of work, once they have all met together. Hindi lang po ito simple. Community Impact Assessment involves drivers; it involves feedback and it involves many different disciplines,” pahayag ni Loyzaga.

Nilinaw ng kalihim na lahat ng mga reclamation projects ay sakop sa naging direktiba ni Pang. Marcos na kasalukuyang sumasailalim sa review.

“We have to take our time, really, beginning with those that are ongoing, because they are, in fact, already impacting the areas. And then, we will graduate to those that are in fact, still not yet begun,” dagdag pa ng Kalihim.