Pangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paglilinis sa mga dalampasigan kasabay ng 2023 International Coastal Cleanup (ICC).
Ito ay nakatakda sa araw ng Sabado, September 16.
Batay sa inisyal na schedule ng DENR Central Office, magkakaroon ng paglilinis sa ibat ibang mga kailugan sa NCR, kasama na ang mga estero ay mga sapa sa Pasay, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Quezon City, Pasig River, at lungsod ng Maynila.
Magsisilbi namang pangunahing venue ang Balanga City Wetland and Nature Park, Balanga, Bataan, na inaasahang dadaluhan nina DENR Undersecretary Marilou Erni, Juan Miguel Cuna, at Jonas Leones
Maliban sa mga nabanggit na lugar, inaasahan ding makikibahagi ang iba pang DENR Regional offices sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Isinasagawa ang International Coastal Cleanup Day Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 470, s. 2003, kung saan kalimitan ito isinasagawa tuwing ikatlong linggo ng Setyembre.