-- Advertisements --

Tutol si Senator Cynthia Villar na maging saklaw ang Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau ng bagong panukala na magbibigay-daan upang mapabilis ang pagbibigay ng government permits at licenses.

Sa ginawang Senate hearing ng Committee on Civil Service para sa Government Reorganization and Professional Regulation for Senate Bill No. 1844m, sinabi ni Villar na kasalukuyang in-charge ang EMB sa pag-issue ng environmental compliance certificate (ECC) para sa mga reclamation projects.

Ayon sa senador, sa oras daw kasi na maipasa ang naturang panukala ay posibleng gamitin ito ng EMB para mag-issue ng ECC kahit hindi ito dumadaan sa pagsisiyasat o konsultasyon.

Hindi nakaligtas dito ang kontrobersyal na reclamation project sa Manila Bay na maaaring sumira sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park.

Kung sisirain aniya ito ay masisira rin ang kabuhayan ng libo-libong mangingisda sa lugar at magdudulot pa umano ng halos pagbaha na aabot sa walong metro.

Ikinadismaya rin ni Villar ang pagbibigay ng ECC sa mga reclamation projects sa kabila ng pagtutol ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito.

Ilang ulit kasing sinabi ng pangulo na walang mangyayaring reclamation project sa Manila Bay sa ilalim ng kaniyang termino ngnuti nagbigay pa rin ang EMB ng ECC para sa naturang proyekto.

“The President has always said that there will be no reclamation of Manila Bay under his watch. He has said it many times. I just want to ask why this EMB—that’s why I want to remove that EMB—is issuing ECC in the reclamation of Manila Bay continuously, so it is not following the President,”

“That’s why I am questioning the inclusion of EMB in this ease of doing business,” dagdag pa ni Villar.