-- Advertisements --
Napilitan ang Danish military na pansamantalang isra ang pangunahing shipping lane at kalapit na airspace dahil sa pagpalpak ng missile launcher na nakasakay sa barko.
Naglabas na rin ng pagbabala ang National Maritime Authority sa mga barko na iwasang dumaan sa bahagi ng Great Belt strait sa karagatan ng Denmark para maiwasan ang banta ng mga mahuhulog na missile fragments.
Ang nasabing mga missile ay mula sa naval exercise na nagsimula noong nakaraang buwan.
Dagdag pa ng Danish military na sa mandatory test ay na-activate na ang missile launcher at hindi na ito ma-deactivate.
Ang missile na inilunsad sa Niels Juel frigate ay bahagi ng Nato standing naval forces mula pa noong 2023.