-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Mahigpit ngayon ang kampanya ng Department of Health (DOH) regional office 10 matapos lumobo pa ang mga kaso ng dengue sa rehiyon.
Kinumpirma ni Dr. Tristan Labitad, head ng DOH 10-Research Epidemiology Surveillance and Response Unit na mula noong Enero ay 11,220 na ang kaso ng sakit sa Northern Mindanao.
Ito ay mataas umano ng 52.59-percent mula sa datos noong nakaraang taon.
Ani Labitad, pinaka-mataas ang mga kaso na naitala mula sa lalawigan ng Bukidnon.
Karamihan daw ng mga nasawi ay batang lalaki.
Sa datos na hawak ng DOH Central Office, isa ang Northern Mindanao sa may mataas na bilang ng dengue case sa unang anim na buwan ng 2019.