-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Demi Lovato ang posibleng pagreretiro niya sa pagkanta.

Sinabi nito na ang kaniyang kasalukuyang mga concert na nagaganap ay maaring ito na ang huli.

Dagdag pa nito na tila itinuturing niya ang sarili na may sakit at hindi na niya makayanan ang magsagawa ng mga concert tours.

Nagsimula ang kaniyang concert tour noong nakaraang buwan sa Des Moines ang capital ng Iowa.

Noong nakaraang 2018 ay ipinasok ito sa rehab dahil sa labis na paggamit ng iligal na droga.