Iniulat ng Department of Trade and Industry’s (DTI) ang lalo pang pagtaas ng demand sa halal products sa bansa, at iba pang mga bansa.
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, papasukin ng Pilipinas ang multitrillion US-dollar industry sa pamamagitan mas aktibong partisipasyon, kasabay ng mabilis nitong paglaki.
Umaabot na kasi aniya sa 57 countries mula sa ibat ibang kontinente katulad ng Asia at Africa ang may mataas na demand sa mga halal products at inaasahang patuloy pa itong madadagdagan.
Ayon sa kalihim, kailangang i-maximize ang potensyal ng bansa sa ilalim ng halal industry.
Tiyak aniyang mas maraming mamumuhunan ang magkaka-interest na pasukin ang naturang industriya kapag nakita nila ang potensyal nito.
Maliban pa ito aniya sa malaking bilang ng mga trabaho na maaari nitong mai-ambag para sa mga mangagawa.
Batay sa datus, umaabot na sa 1.9 billion ang Muslim population sa buong mundo habang sa global market, inaasahang papalo ng hanggang sa $7.7 trillion ang halaga ng Halal Industry, pagsapit ng 2025.