-- Advertisements --

DAVAO CITY – Iniulat ng Department of Health (DOH) na dalawang kaso ng Delta variant ng coronavirus disease (COVID-19) ang bagong na-detect sa Davao Region.

Dahil dito, umakyat na sa anim ang bilang ngayon ng Delta coronavirus variant sa buong rehiyon.

Sinasbaing isa sa dalawang nadagdag na kaso ng Delta ay ang 37-anyos na residente ng lungsod, na sumailalim sa RT-PCR swab test noon pang nakaraang buwan.

Kahit gumaling na ito sa sakit, muling isinailalim ang naturang pasyente sa isolation at nagsagawa rin ng contact tracing ang lokal na pamahalaan.

Ang isa pang Delta case sa rehiyon ay napag-alaman na taga-Davao del Sur.

Isinailalim rin ngayon sa quarantine ang pasyente kahit na nakarekober na ito.

Sa kasalukuyan, mas hinigpitan pa ang pakikipag-ugnayan ng Regional Epidemiology Surveillance Unit sa mga concerned local government units para sa mga hakbang na gagawin para lamang mapigilan ang pagtaas ng kaso sa mas nakakahawang variant ng covid-19 dito sa rehiyon.