-- Advertisements --
Nagdulot ng tatlong oras na pagkaantala ang flight ng Delta Air Lines matapos dahil sa kuyog ng mga bubuyog.
Ayon sa nasabing airline company na mula sa Houston-Bush ang Delta flight 1682 patungo sa Atlanta ng mangyari ang insidente.
Hindi naman na binanggit ng kumpanya kung ano ang kanilang ginawang paraan para mapalayas ang kuyog ng mga bubuyog sa nasabing paliparan.
Dahil dito ay humingi ng paumanhin ang airline companies sa kanilang pasahero dahil sa nangyaring pagkaantala ng flights.










