-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tumaas pa ang bilang ng mga tinamaan ng Delta coronavirus variant sa Davao Region matapos na iniulat ng Department of Health (DOH) ang karagdagang15 pang pasyente na kinabibilangan ng 11 na mga local cases at apat na mga returning overseas Filipinos (ROFs).

Sa kasalukuyan, aabot na sa 28 ang kabuuang bilang ng Delta coronavirus variant cases sa rehiyon.

Nabatid na sa inilabas na report ng DOH-Davao, kabilang ang 11 local Delta cases sa 169 specimens sa rehiyon na isinumite sa Whole Genome Sequencing (WGS) noong Hulyo 29 at August 25.

Sa nasbaing bilang, 10 dito ang sa Davao City; isa sa Davao del Norte; at apat naman sa Davao Oriental.

Dahil dito, nakatakdang isagawa ang repeat reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test sa mga pasyenteng nagpositibo sa naturang variant.

Hindi rin sinabi ng ahensiya kung ang bagong naitalang delta cases ang active o recovered.

Nabatid na epicenter ngayon ang lungsod ng Davao sa Mindanao matapos makapagtala ng mataas na kaso ng covid-19.