cropped inday sara duterte 2
-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na nagpalabas ngayon ng resolusyon ang Davao City Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Vaccine Cluster para sa Inter-Agency Task Force (IATF) na humiling na itigil muna ang pagbili at pag-deliver ng mga bakuna nga gama sa Sinovac at Sinopharm para sa mga vaccination site sa lungsod dahil sa mababang preference nito,.

Sa halip umano na mga Chinese-made vaccines, mga bakuna ng Pfizer BioNTech at Moderna na lamang ang ipapadala sa lungsod sahil mataas umano ang interes nito sa mga gustong magpabakuna.

Kung maalala, una ng sinabi noong nakaraang linggo ni Mayor Inday at ni COVID-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser an hindi kailangan pumili ng bakuna lalo na at pareho naman itong epektibo laban sa virus.

Nabatid na may naitala ring mga indibidwal at health care workers na nahawa ng virus kahit fully vaccinated ngunit karamihan sa mga ito ay nabakunahan ng Sivonac bagaman pareho lamang itong mild cases.

Sinabi ni Mayor Inday na may moral responsibility ang lokal na pamahalaan na malaman ng IATF kung ano ang nangyayari sa ground.

-- Advertisement --

Hindi rin umano gustong ma-offend ng lokal na pamahalaan na offend ang brand ng Sinopharm at Sinovac bagkus ay tututukan na lamang ngayon ang pagbili ng Pfizer at Moderna na mas maramo umano ang interesado na magpabakuna.