Hindi nagbigay ng kasagutan ang dating hepe ng pambansang pulisya na ngayo’y senador Ronald “Bato” dela Rosa kung nasa listahan ng mga gumagamit ng droga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong administrasyong ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay dela Rosa, wala siyang ideya rito at PDEA na lamang daw ang tanungin at hindi siya.
Nang tanungin kung ang Philippine National Police, na dati niyang pinamumunuan, ay may listahan na katulad ng PDEA, sagot ni dela Rosa ay wala siyang alam.
Aniya, ang concerned siya sa PNP at hindi sa PDEA.
Nauna nang sinabi ni dating pangulong Rodrigo Duterte na gumagamit ng droga si Pangulong Marcos.
Dagdag pa ni Duterte, noong siya ay mayor ng Davao City, ipinakita sa kanya ng PDEA ang patunay na si Marcos ay nasa drugs watchlist nito.
Ang PDEA, gayunpaman, ay pinabulaanan ang pahayag ni Duterte, na sinabi na si Marcos ay hindi kailanman nasa listahan ng gobyerno ng mga gumagamit ng iligal na droga.