Bayani Agbayani
Bayani Agbayani

Humingi nang paumanhin si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor kay Finance Usec. Bayani Agabin.

Ito’y matapos mabanggit ni Defensor ang pangalan ng komedyante na si Bayani Agbayani nang tinawag nito si Agabin sa special session ng Kamara kahapon, Marso 23.

Sa isang Instagram post, idinaan ni Defensor ang paghingi nito ng paumanhin kina Agabin at Agbayani.

Sa sesyon ng Kamara kahapon, mabilis namang iniwasto ng kanyang mga kasamahan si Defensor dahil sa pagkakamali nito.

Natawa na lamang din si Defensor sa kanyang pagkakamali.

“Ay, Agabin. Thank you Mr. Speaker. Bakit Bayani Agbayani ba nabanggit ko? I apologize Mr. Speaker,” saad nito.