-- Advertisements --

Lorenzana

Umaasa parin si Defense Secretary Delfin Lorenzana na matatapos ng militar ang CPP-NPA bago bumaba sa pwesto ang Pangulong Duterte sa Hunyo 30.
Ito ang inihayag ni Lorenzana sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio Grandstand ngayong hapon.

Ayon sa kalihim, batid niya na mahirap ang laban dahil “well entrenched” ang kalaban.

Pero dahil aniya sa mga “recent accomplishments” ng Philippine army at iba pang sangay ng sandatahang lakas laban sa mga komunista, naniniwala siyang malapit na ang katapusan ng teroristang grupo.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Lorenzana ang Philippine Army sa pangunguna ni Phil. Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr, sa kanilang mahusay na serbisyo mula sa pagtugon sa Covid 19 pandemic, hanggang sa pag-responde Sa Mga sinalanta ng Bagyong Odette.