-- Advertisements --
Hindi umubra ang defending champion Milwaukee Bucks matapos na masilat ng Memphis Grizzlies, 127-102.
Ang panalo ng Grizzlies ay sa kabila na wala ang scoring leader na si Ja Morant.
Nanguna sa opensa ng Grizzlies sina Dillon Books na may 19 points at si Karen Jackson Jr. na nagdagdag ng 16.
Ito na ang ikaapat na sunod na panalo ng Grizzlies o walo sa huling nine games.
Sa kampo ng Bucks nasayang ang ginawa ni Giannis Antetokounmpo na may 30 points at 11 rebounds.
Sa ngayon nasa ikatlong puwesto ang Bucks sa Eastern Conference habang lalong napatibay ng Grizzlies ang kanilang record na 52 wins bilang top team sa Western Conference.