
Inanunsiyo ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) na ipagpapatuloy ang ikatlong yugto ng decommissioning process ng natitirang 1,301 combatants ng Moro Islamic Liberation Front – Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF) sa susunod ng buwan.
Sa idinaos na Post-SONA discussions, sinabi ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. na nasa 24,000 combatants na ang na-dicommissioned base sa normalization track.
Ayon pa kay Galvez, sa susunod na taon mayroong 14,000 o 355 ang natitira pang idecommission.
Inaasahan ng Independent Decommissioning Body na makukumpleto ang proseso ng decommissioning bago ang unang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa taong 2025.
Una ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang ikalawang SONA noong araw ng Lunes na ipinagmamalaki nito ang progresong nagawa sa rehiyon at inihayag na napakahalaga na magkaroon ng peace gains at matiyak ang patuloy na progreso sa rehiyon.










