-- Advertisements --

Mariing tinututulan ng Filipino Roblox Developers Association (FRDA) ang panawagang tuluyang ipagbawal ang online gaming platform na Roblox sa Pilipinas.

Ayon sa grupo, mas nararapat na tutukan ang mga feature, online community o communication channel na posibleng ginagamit sa mga bata para mahikayat na gumawa ng karahasan, kaysa sa kabuuang pagbabawal sa platform.

Tugon ‘yan ng grupo matapos sabihin ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na posibleng may impluwensya ang Roblox sa 14-anyos na sangkot sa Zamboanga school shooting noong Agosto 18.

Ayon sa FRDA, kahit tuluyang ipagbawal ang Roblox, hindi nito mapipigilan ang mga taong nanghihikayat sa mga bata na lumipat sa ibang online platforms.

Dahil maraming servers at iba’t ibang uri ng content sa Roblox, sinabi ng grupo na dapat tukuyin muna kung aling partikular na feature, community o communication channel ang may problema bago ito ipagbawal sa bansa.

Hinamon din ng FRDA ang pamahalaan na ilabas ang malinaw na ebidensiyang nag-uugnay sa Roblox sa insidente.

Tinanggihan din ng grupo ang pahayag na ang pag-record ng insidente gamit ang first-person point of view o POV ay awtomatikong nangangahulugang ginaya ito mula sa isang first-person shooter game.

Itinanggi rin ng grupo na ang pag-record ng insidente gamit ang first-person point of view ay awtomatikong ginagaya nito ang isang first-person shooter game.

Ayon sa FRDA, natural lamang ang ganitong paraan ng pag-rerecord lalo na kung mag-isa ang taong kumukuha ng video.