-- Advertisements --

Nais matiyak ng Department of Information and Communications Technology ang kaligtasan ng mga batang naglalaro sa iba’t ibang gaming platforms online.

Binigyan atensyon ng kagawaran ang pagsuri nito sa laro makikita online upang masegurong ang mga bata’y ligtas mula sa kapamahakan.

Alinsunod ang naturang hakbang ukol sa isang laro na kanilang ipinatawag dahil sa natatanggap na mga reklamo.

Pinangambahan na ito’y i-ban sa Pilipinas ngunit hindi natuloy bagkus ikinatuwa pa ni Usec. Aboy Paraiso ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ang naging sagot ng naturang laro.

Habang ikinatuwa rin ni Information and Communications Technology Secretary Henry Rhoel Aguda ang safety protocols na agaran ipinatupad ng online gaming platform.

Nagbigay naman ng mensahe ang kalihim sa mga kabataan naglalaro ng nabanggit na online gaming platform.

Aniya’y layon lamang nila, kaisa pati mga magulang na maseguro ang kaligtasan ng bawat ‘player’ o maglalaro sa tinatawag na ‘digital playground’.

Payo ng kalihim sa mga magulang na maging sila’y dapat silipin ang pagiging ‘ligtas’ ng online game na nilalaro ng kani-kanilang mga anak.