Umakyat na sa 41 ang bilang ng mga nasawi sa pagguho ng lupa sa eastern Myanmar bunsod ng monsoon rains.

Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operations ang mga emergency workers sa mga natabunan ng putik sa 27 bahay sa Ye Pyar Kone village noong Biyernes.

Gumamit na ng excavators ang mga rescue teams para mahukay ang mga natabunan ng landslide.

Samantala, sa ngayon, 47 katao na ang naitatalang sugatan habang pinaniniwalaang 80 naman ang posibleng nawawala pa rin sa ngayon. (Agence France-Presse)