-- Advertisements --
Umakyat na sa 11 katao ang nasawi dahil sa pagguho ng lupa sa Monkayo, Davao de Oro bunsod ng masamang lagay ng panahon dala ng shear line.
Ito ay matapos na marekober ang labi ng isang natitirang nawawalang indibidwal kaninang hapon ng Sabado.
Ayon sa municipal government ng Monkayo, natagpuan ng search team ang bangkay ng 45 anyos na biktima na si Rommel Gumatin dakong alauna ng hapon.
Si Gumatin ang panghuling nawawala mula sa lahat ng mga biktima sa nangyaring landslide sa Mt. Diwata.