Nananatili pa ring nangunguna ang Estados Unidos sa mga bansang may pinaka-mataas na bilang ng mga taong namamatay dulot ng coronavirus pandemic.
Batay sa datos na inilabas ng Johns Hopkins University, pumalo na ng 80,000 katao ang nasawi sa buong Amerika kasunod ng unti-unting panunumbalik ng ekonomiya ng mga estado.
Nakakakita naman ng pag-asa si New York Governor Andrew Cuomo para sa New York City kung saan umabot na ng 26,000 ang namatay ngunit patuloy ang pagbaba ng mga naitatalang coronavirus infection kada araw.
Ayon kay Cuomo, saka lamang niya papayagan na magbukas ang iba’t ibang lugar sa New York sa oras na makumpleto nila ang inilatag na pitong criteria.
Patuloy din umano na susundin ni Cuomo ang inilabas na guidelines ng Centers for Disease Control tungkol sa pagbubukas ng kanilang ekonomiya at hindi raw ito tutulad sa ibang estado na binaliwala lamang ang payo ng CDC