-- Advertisements --
Umabot na sa 13.3 hanggang 16.6 milyon katao ang nasawi matapos na dapuan ng COVID-19 mula 2020 hanggang 2021.
Ayon sa World Health Organization (WHO) na ang nasabing bilang ay triple sa mga unang naiulat.
Sinabi naman ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na ang bagong estimates ay nagpapakita ng full death toll na may iniuugnay na dinapuan ng directly o indirectly.
Nanawagan na lamang ito na dapat magkaroon ang mga bansa na pag-igihin ang kanilang health systems.