Napuno ng mga nagluluksang taga-suporta ni General Qassem Soleimani ang kalsada sa Baghdad kasunod ng isinagawang funeral procession bilang pag-alala sa kadakilaang naiambag nito sa kanilang bansa.
Naglatag ang mga ito ng pulang carpet sa kalsada kung saan dadaan ang mga labi ni Soleimani. Binalot ang kabaong nito ng itim na tela at nilagyan ng maraming bulaklak ang palibot nito.
Bilang pakikiisa ay nagsuot din ang mga dumalo sa nasabing funeral procession ng itim na damit habang isinisigaw ang mga katagang “Death to America.”
Nagsimula ang prosesyon sa Imam Kadhim shrine sa Baghdad, isa sa iginagalang na gusali ng Shiite Islam. Una nang nagbanta ng matinding paghihiganti ang Iran laban sa Estados Unidos.
Samantala, itinanggi naman ng US-lead coalition na nagsagawa sila ng air strike sa Baghdad ngayong araw. Naitala na mayroong anim na katao ang namatay dahil sa nasabing airstrike,