Pabor ang ama ng nasawing estudyante dahil sa hazing na si John Matthew Salilig na muling buhayin ang death penalty para sa mga mapapatunayang guilty sa pagkakasangkot sa hazing.
Ito ang inihayag ni Joeffrey Salilig, ama ng nasabing hazing victim, na pabor na siya ngayon sa muling pagbuhay sa death penalty nang sa ganon ay mabantayan pa lalo ng mga otoridad ang ganitong uri ng mga fraternities upang maulit pa ang karimarimarim na sinapit ng kaniyang anak matapos sumailaim sa initiation rites ng Tau Gamma Phi.
Kung maaalala, natagpuang wala nang buhay si John Matthew Salilig sa isang mababaw na hukay sa bahagi ng Imus, Cavite noong February 28, 2023 ilang araw matapos siyang mapaulat na nawawala.
Kahapon ay inihayag ng Department of Justice panel of prosecutors na kinasuhan na nito ang pitong miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity dahil sa umano’y hazing na pagkamatay ni Salilig.