Inirekomenda ng isang Asian financial institution na palawigin pa ang deadline sa submission ng mga bid para sa P170.6-billion Ninoy Aquino International Airport (NAIA) modernization project.
Ang nasabing institusyon ay nagsisilbing transaction advisor ng pamunuan ng naturang paliparan.
Batay sa naging rekomendasyon nito, maaaring palawigin muna ng pamahalaan ang deadline ng submission ng mga bids ng isang panibagong buwan.
Ito ay upang mabigyan ang mga interesadong bidders ng sapat na panahon upang makapag-submit ng mas maraming bid, at magreresulta ng mas magandang kompetisyon at mas magandang financial outcome para sa pamahalaan.
Ayon sa naturang institusyon, mayroong apat na prsopective bidders ang nagpahayag ng kagustuhan na ma-extend panahon ng sumbission ng bidding.
Nakatakda sa Disyembre 27, 2023 ang deadline ng submission ng bidding. kung matutuloy ito, posibleng aabot lamang sa dalawa ang bidders o kwalipikadong mga bidder.
Gayonpaman, sinabi ng Department of Transportation(DOTr) na mayroon nang walong kumpanya ang bumili ng mga bid documents. Bagaman hindi pa naghahain ng kanilang mga proposal ang mga karamihan sa mga ito, posibleng unti-unti umanong ihahain nila ang mga dokumento habang papalapit ang deadline.