SSS logo
-- Advertisements --

Lalo pang pinalawig ng Social Security System (SSS) ang deadline ng contribution payments ng karagdagang 15 araw o hanggang Hunyo 30.

Sinabi ng SSS na applicable ang extension na ito para sa contributions sa buwan ng Pebrero, Marso, at Abril para sa mga regular employers.

Samantala, para naman sa mga household employers, voluntary, self-employed, at non-working spouse members, ang extension ay applicanle para sa contributions sa first quarter ng 2020.

Nauna nang pinalawig ng SSS ang deadline ng contribution payments hanggang Hunyo 15 para bigyan ng sapat na panahon ang kanilang mga miyembro na makapagbayad, lalo pa ngayong mahirap ang sitwasyon dahil sa COVID-19 pandemic.