-- Advertisements --
Nagtatanong si Sen. Leila de Lima kung bakit siya palaging nasa isip ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos na sabihin ng Pangulo kagabi na isa siyang “bitch” na naloko raw ang buong mundo na siya ay prisoner of conscience.
Sabi ni De Lima sa kaniyang social media account, kulang-kulang na nga ang bakuna kahit bilyon bilyon na ang utang ng gobyerno, pero ngayon siya pa raw ang “bitch.”
Sa dami aniya ng namamatay sa COVID-19 at extra judicial killings (EJK), siya pa raw na ipinakulong ang nasa utak ng pangulo.
Wika pa ni De Lima, palaging nagbabansag ng masamang katawagan ang mga incompetent na tao.
Ang banat daw sa kaniya ng Pangulo ay panglihis lang sa mga kapalpakan nito.










