-- Advertisements --

Nakatuon ngayon ang atensyon ng kampo ni Sen. Leila de Lima sa magiging epekto ng pagkamatay ng drug lord na si Jaybee Sebastian sa kasong kaniyang kinakaharap.

Matatandaang si Sebastian na umano’y namatay sa COVID-19 ay isa sa mga tumestigo laban kay De Lima sa isyu ng bentahan ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP).

Isa sa mabigat na pahayag ng NBP inmate ang umano’y pagpopondo nito sa campaign fund ng senadora mula sa kinita nila sa loob ng piitan.

Ayon kay De Lima, hindi nagbabago ang kaniyang paninindigan na gawa-gawa ang mga pahayag ng convicted drug personality, kahit ito ay pumanaw na.

“My lawyers are still assessing the effect of Sebastian’s death on the cases against me, considering that he is or was the Duterte regime’s supposed “star” witness,” wika ni De Lima.