-- Advertisements --
Kinuwestiyon ni Senator Leila de Lima sa mga magkakasunod na pagkakamatay ng mga witness laban sa kaniya.
Pinakahuli dito ay si Vincent Sy na isang convicted drug lord na inatake sa puso nitong nakalipas na Hulyo 29.
Si Sy ay lumantad na nagsabing nagbigay ito ng kalahating milyon piso para raw sa kampanya ni De Lima sa pagka-senador.
Dagdag ng senadora, kuwestiyonable ang pagkamatay ni Sy kung saan hindi na maisasawalat ang nasabing katotohanan.
Pangalawa na si Sy na pangunahing witness laban kay De Lima na ang una ay si Jaybee Sebastian na sinasabing dinapuan ng COVID-19 noong nakaraang taon.