-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ni Sen. Leila de Lima ang desisyon nitong muling tumakbo sa 2022 elections, para sa reelection bid niya sa pagka-senador.

Ayon sa kampo ng mambabatas, hindi hadlang ang kaniyang pananatili sa kulungan para maipagpatuloy ang kaniyang mga nasimulang laban.

Aminado itong na-challenge siya sa mga pag-atakeng ginawa ng administrasyon kaya pursigido siyang muling lumahok sa eleksyon.

Si De Lima ay inaresto at ikinulong noong Pebrero 2017, dahil sa pagkalat umano ng droga sa New Bilibid Prisons (NBP), habang siya ay nanunungkulan bilang secretary of justice.

Nakabinbin naman ang mga kaso nito sa Muntinlupa City Regional Trial Court sa nakalipas na mahigit apat na taon.