-- Advertisements --
Maaring sa buwan ng Nobyembre ay mayroon ng pangulo at kumpleto na ang board ng Maharlika Investment Corp.
Ayon sa Budget Secretary Amenah Pangandaman, na tuloy ang gobyerno para sa implementasyon ng Maharlika Investment Fund Law kahit na sinuspendi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang implementing rules and regulations ng batas.
Patuloy pa rin ang ginagawang pag-aaral ng IRR pero kapag natapos na ito ay isusumite na nila ang pinal na version ng IRR sa pangulo.
Naniniwala nito na sa Nobyembre ay kumpleto na ang pangulo at boards ng Maharlika Investment Fund.