Target ng Department of Budget and Management na bawasan ang share ng mga unprogrammed appropriations sa 2024 national budget.
Paliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang ideal percentage ng mga unprogrammed funds ay dapat na nasa 5% lamang ng total budget.
Kung ikukumpara kasi sa program appropriations na may definite o identified funding sa oras na inihanda ang badyet, sinabi ng DBM na ang mga unprogrammed appropriations ay yaong “nagbibigay ng standby na authority na magkaroon ng karagdagang mga obligasyon sa ahensya para sa mga priyoridad na programa o proyekto kapag ang revenue collection ay lumampas sa mga target, at kapag ang mga additional grants o ang mga foreign funds ay generated.
Para sa P5.768-trilyong badyet sa susunod na taon, sinabi ni Pangandaman na umaasa ang gobyerno na sumunod sa ideal na 5% na bahagi ng unprogrammed funds sa overall expenditure program.
Aniya kapag mas mataas kasi ang unprogrammed fund ay magiging mas mahirap ang pagpapanatili rito dahil ang paglabas nito ay nakasalalay sa excess revenue na gine-generate ng gobyerno.