-- Advertisements --
dbm

Pinoproseso na ng Department of Budget and Managementang paglalabas ng pondo para sa fuel subsidy ng Department of Transportation (DOTr) para sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Maria Celia Abogado ng DBM Bureau in charge of the DOTR, kanilang nang inaayos ang pondo para sa nasabing usapin upang kaagad nang maipalabas.

Ang DOTR ay nakakakuha ng P213.7 bilyon sa new appropriations para sa 2024.

Nasa budget din na nabanggit ang subsidy para sa MRT-3 na umaabot sa P6.1 bilyon.

Kaugnay niyan, nasa 1.3 milyong mga driver at operator ng pampublikong sasakyan ang inaasahang tatanggap ng subsidy mula sa gobyerno upang matulungan silang makayanan ang pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel.

Nauna nang inanunsyo na target ng LTFRB na ipamahagi ang fuel subsidy bago matapos ang Agosto.