Nakahanda umano ang Pilipinas na gumastos ng hanggang P73 billion para sa bumili ng coronavirus vaccine at maabot ng bansa ang herd immunity.
Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado na mayroong P10 billion na standby funds ang gobyerno para sa bakuna sa ilalim ng Bayanihan 2. Habang aabot naman ng P2.5 billion ang initial budgey para sa vaccine procurement na kasali naman sa panukalang national budget sa susunod na taon.
Magiging sapat na aniya ang P73 billion na budget para bakunahan ang nasa 60 milyong Pilipino.
Ayon kay Avisado, sa huling report ni Finance chief Sonny Dominguez sa kanilang huling pagpupulong ay sinabi nito na nakahanda ang gobyerno na gumastos ng hanggayang P73 billion para nasa sa gayon ay mabakunahan ang sambayanan
VC DBM SECRETARY WENDEL AVISADO
Una nang sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na sa buwan ng Enero 2021 ay magkakaroon na ito ng malinaw na COVID-19 vaccine candidate na bibigyan ng Emergency Use Authorization.