Nakikipagtulungan na si Budget Secretary Amenah Pangandaman sa Office of the Solicitor General para sagutin ang petisyong kumukwestiyon sa legalidad ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) noong 2022 kasunod ng itos ng Korte Suprema.
Kabilang din sa pinagkokomento sa petisyon sina Vice President Sara Duterte at Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sa kasalukuyan, hindi pa inaaksyunan ng kataas-taasang hukuman ang petisyon dahil nais muna nitong makuha ang panig ng respondents bilang bahagi ng procedure.
Una ng kinuwestyon ng mga petitioner na pinangungunahan ni dating Commission on Elections Chair Christian Monsod ang paglilipat ng P125 million para sa secret fund ng OVP noong nakalipas na taon gayong hindi naman ito kasama sa alokasyon sa ilalim ng General Appropriations Act noong 2022.
Nais din ng mga petitioner na ideklarang labag sa batas ang paglilipat ng pondo at nananawagan din na ibalik ni VP Sara ang pondo sa national treasury.