-- Advertisements --
Nakapaglabas na ang Department of Budget Management (DBM) ng P10 billion para sa vaccination program ng gobyerno.
Sinabi ni Assistant Budget Secretary Rolando Toledo at siya rin ang tagapagsalita ng DBM, na ang nasabing alokasyon ay mula sa Bayanihan 2 na P25.53 bilyon na standby fund.
Ibinigay ang nasabing halaga sa Department of Health.
Umaabot kasi sa P82.5 billion ang kabuuang pondo para sa nationwide vaccination program.
Nakatakda rin na aprubahan ng World Bank ang karagdagang $500 milyon na loan ng bansa para sa COVID-19 response ganun din ang Manila-based na Asian Development Bank (ADB) at ang Beijing-based Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na nakatakdang aprubahan ang $700 milyon na utang ng bansa.