-- Advertisements --

Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng P6 billion para sa ikaapat na milestone payment ng Pilipinas para sa nagpapatuloy na konstruksiyon ng 2 missile corvettes sa South Korea.

Ang panibagong pondo ay inilabas sa Department of National Defense noong Abril 3 at nakalaan ito para sa pagpopondo ng Corvette (Lot-1 Platforms with Launchers) Acquisition Project ng Philippine Navy sa ilalim ng Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program.

Una ng lumagda noong Disyembre 28, 2021 ang DND at HD Hyundai Heavy Industries (HD HHI) ng SoKor sa P28 billion na kontrata para sa 2 brand-new corvettes na may kapasidad na magsagawa ng anti-ship, anti-submarine, at anti-air warfare missions.

Karaniwang may bigat na 1,000 hangang 2,500 tonelada ang Corvettes na kayang matugunan ang submarine at iba pang maritime threats.

Nakatakdang dumating sa PH ang unang missile corvette sa susunod na taon at ang ikalawa namang corvettes ay sa 2026.