Inilabas na ng Department of Budget Management (DBM) ang P22.3 billion pension differential ng mga military at uniformed personnel (MUP) retirees.
Ayon sa DBM na ang nasabing pera ay ibinigay sa Department of National Defense, Department of Interior and Local Government, National Mapping and Resources Information Authority at Philippine Coast Guard para mabayaran ang mga pension differentials ng kanilang mga retirees mula Hunyo hanggang Disyembre 2019.
Nilinaw naman ng DBM na ang pension differential ng Enero at Mayo 2019 ay hiwalay na kanilang aayusin na nakabase na rin sa availability of fund.
Magugunitang noong Enero 2018, ay pinirmahan n Pangulong Rodrigo Duterte ang Joint Resolution ng Congress No.1 na nagtataas sa base pay ng lahat ng MUP.